Looking for something?

Like and Share us

Lechon in South Korea: Available Everyday

Date Posted: Friday, November 21, 2014

 

Nakakain na ba kayo ng masarap na Lechon sa South Korea? Minsan lang yata sa isang dekada. Hindi katulad sa pinas na lingo-lingo may lechon sa hapag kainan. Lalo na sa mga occassion na kailangan talaga natin ang lechon. Lumalapit na ang pasko.

 

Pinoy Lechon Ako - South Korea

Pero ngayon may gumawa na ng Lechon dito sa South Korea. At araw-araw pwede kayong mag-order. 1 day delivery lang.

Ito ang ating panayam sa kaunaunahang nagnenegosyo ng Lechon dito sa South Korea. Ang pangalan niya ay si Dodong.

Q: Kailan nagsimula ang pag lelechon mo sa dito sa South Korea?

Dodong: Matagal-tagal na rin pero noong November 10, 2013 doon ko inumpisahan ang pabnenegosyo ng Lechon.

Q: Bakit naisipan mong mag lechon dito sa South Korea?

Dodong: Kumain ako sa palengke dito sa korea noong makakita ako ng lechon baboy nila na umiikot ikot sa gitna ng lutuan nilang kahon. Natikman ko ang lasa at d hamak na malayo ang templa ng lechon nila sa sarap ng lechong Pilipinas . Kaya naisipan kung magluto dito sa korea ng lechon kasi gusto ko matikman din nila ang lasa ng lechong Pilinas.

Q: Gaano kasarap ang lechon mo?

Dodong: Siyempre masarap na masarap ang lechon ko. Tunay na Pinoy ang nagluluto. Inadopt ko ang templa ng lechong cebu na kung saan madalas ko ring hinahanap at kapag umuuwi ako sa atin sigurado may lechong Cebu.

Q: Gaano kadalas ang pagluluto mo ng Lechon?

Dodong: Halos araw-araw nagluluto kami kasi hindi lang mga Pilipino ang bumibili pati na rin mga Koreano. Pero siyempre lahat ng Pilipino na nag-oorder at suki namin inuuna ko kasi alam ko na hinahap-hanap nila ito.

Pinoy Lechon Ako - South Korea

Q: Paano ka ma-contact?
Dodong: Sa Facebook namin pwede ninoy ma search ang Pinoy Ako Lechon, 24/7 pwede nila kaming imessage at tawagan sa cel. no. 010-6280-2971. Sa mga gustong mag order ng buong lechon dpat i inform nila kami 1 week prior to the schedule.. at ang aming kinilo na pang retail ay everyday po merong available.

Q: Salamat Dong. Sana makakain lahat ng Pilipino dito sa South Korea ng Lechon mo lalo na pagdating ng PASKO at NEW YEAR.

Dodong: Salamat din at sigurado pakakainin ko ang lahat ng Pilipino dito sa South Korea sa masarap na masarap kong lechon.

 010-6280-2971 – Dodong

================

Lechon is a special Filipino Delicacy that you will always crave. At least once a week in the Philippines, Filipinos eat Lechon. It’s part of the Filipino culture and being great way to enjoy parties and other special occassions like Christmas and New Year.

To Contact Dodong and try his lechon you may find him in Facebook by searching and adding him: Pinoy Ako Lechon or CALL him at 010-6280-2971. You can have a minimum order of 1 kilo and you can also order 1 whole lechon.

 



 

Learn the Korean Language by Keyboarding
Stock Market Investing?